As an aspiring CCNA or an aspiring Network Engineer/Network Administrator, kailangan mong malaman kung ano ba yung mga kailangan mong i-consider when designing a Network, or when considering upgrading yung mga present equipments na meron kayo, or when you need to add Network Equipments or bandwidth sa present setup ninyo sa office.
Alam ko na Network Beginner ka pa lang, pero hindi ba mas maganda na pag-usapan natin yung mga Network Fundamentals in a scenario na mai-imagine mo?
Yung makikita mo kung saan ia-apply yung mga technical Networking terms na iintroduce ko sayo – para mas magets mo 😉
When designing a network, or considering buying or upgrading yung present network na meron kayo – ang pinaka-importante at numero uno sa lahat ng mga kailangan mong i-consider bago pa yung mga technical requirements natin ay ang – COST, o BUDGET.
Ano ba ang nakakaapekto sa budgeting natin sa design? ano ba yung kailangang i-consider natin na makaka-apekto sa budget requirements ng company natin?
Pangalawang kailangan mong i-consider ay ang SPEED ng Network na kailangan niyo.
Take note that when talking about speed, merong dalawang klase yan – LAN SPEED and WAN SPEED.
Pag-usapan muna natin yung LAN SPEED.
Ano ba yung LAN Speed? Eh teka, ano ba yung LAN?
Ano-ano yung mga kailangan nating i-consider when considering yung LAN speed sa network design natin?
Yan yung unang dalawang Elements of Network Design na pag-uusapan natin dito sa blog post na ito – Cost (or Budget) and LAN Speed.
Dito sa video na ito, idi-discuss ko sa inyo in detail ano ba yung dalawang yan, ano ba yung mga factors to consider, at marami pang iba.
As a network beginner, and an Aspiring CCNA – ito na yung pinakamagandang introduction to networks na makikita mo 😉
Watch the video below: